Saan nga ba patungo?

30 Nov

Alam kong buo ang loob ko nang nagdesisyon akong tahakin ang landas patungo sa’yo. Hindi naging madali ang bawa’t hakbang na tinahak ko para mapagtanto ang tamang daan na siyang magdadala sa akin sa destinasyong makapagpapaligaya sa puso kong noon pa’y ligalig at uhaw sa mga kasagutang tila hindi matanto. “Saan nga ba patungo?” Tanging sigaw ng puso ko. Nguni’t sa gitna ng kawalan, tila tanging ako lang nakaririnig sa aking asam.

Pinilit ko pa ring ituloy ang aking paglalakbay kahit panganib ay nagbabadya sa aking daan. Sinubukan kong bagalan ang aking mga hakbang sa pag-asang hindi maliligaw. Nguni’t ang liwanag mula sa araw na siyang nagbibigay gabay sa aking landas ay unti-unting binalot ng kadiliman hanggang di na halos matanaw mga direksyong dapat kong puntahan.

Sa kabilang dako, gayunpaman, nakakita ng liwanag. Pinilit kong iwasan sa kadahilanang kailangang kong magpatuloy sa iyong kinaroroonan. Nguni’t sadyang mapaglaro ang tadhana, kinailangan kong pumili kung saan nga ba. Puso ko’y nagulumihanan nguni’t ano pa nga bang magagawa?

Bago ko pa mawari ang pag-iba ng daang tinatahak ng aking mga paa, ako ay nasadlak na sa isang desisyong kailangan kong pangatawanan. Kahit sa kaibuturan ng aking puso, ang desisyon ko’y hindi buo, alam ko na may dahilan kumbakit ako napunta sa gawing ito.

At habang binabaybay ko ang daan sa kabilang dako kung nasaan ang liwanag na muling bumuhay ng pag-asa sa puso ko, alam kong may kapiraso pa ring parte ng puso ko ang patuloy na maglalakbay para hanapin ka hindi para maging kabiyak kung hindi para ipaalalang naging parte ka sa malayang pagtibok nito.

Advertisements

10 Responses to “Saan nga ba patungo?”

  1. tracey December 1, 2011 at 11:32 AM #

    magandang sulatin…..

    • joahnadiyosa December 1, 2011 at 3:58 PM #

      Maraming salamat po.. 🙂

      • Tracey December 1, 2011 at 5:08 PM #

        what a small internet world, i was browsing thru the net trying to look for some travel stuff and i found your blog, im from nueva ecija and i came across one of your posts where i saw familiar faces….

        • joahnadiyosa December 1, 2011 at 8:18 PM #

          Hehe. Small world indeed. I currently work here in Nueva Ecija, Muñoz to be exact. 🙂 If I may know, who were those familiar faces? Thanks for dropping by, by the way. 🙂

  2. Tracey December 2, 2011 at 10:51 AM #

    That is cool! i don’t exactly know their names, except for kay who i met once,one from St Joseph(where i graduated from high school)and one whom i think is the wife of my highschool classmate, and other familiar faces. maybe we will bump into each other sometime, you look familiar also , but cant figure out where i know you from. i graduated from SLU and im from llanera nueva ecija.

    • joahnadiyosa December 2, 2011 at 11:23 AM #

      Oh… If it’s okay, may I know your full name too? You graduated from SLU Baguio? I graduated from Benguet State Unviersity and was a regular tambay in SLU during weekends when I was still in college. Hehe… Do you have a blog, too?

  3. Tracey December 2, 2011 at 11:28 AM #

    i used to have one in wordpress also, kaya lang i can hardly remember my user name and password, it’s been ages and i’ve been busy with a lot of things kasi, im planning to have a food blog very soon. im from batch 2003. ano batch mo? im milanne.

    • joahnadiyosa December 2, 2011 at 1:42 PM #

      batch 2010 po.. 🙂 sige notify mo ako pag may blog ka na and i’ll be your top follower.. hehe..

  4. Tracey December 2, 2011 at 2:11 PM #

    suree… i can try adding you on FB as well. hehe

    • joahnadiyosa December 2, 2011 at 2:29 PM #

      Hehe. All right. See you on FB! 🙂 Mine is Joahna Goyagoy. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: